Ina, ginawang sex slave ng anak na adik

Dahil sa reklamo ng kaniyang mga kaanak, ina­resto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cavite ang suspek na si Roberto Sarabia sa kasong rape matapos paulit-ulit na pagsamantalahan umano nito ang sariling ina na itinago sa pangalang Lola Judy. Philstar.com/File

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang 54-anyos na adik sa droga matapos gawin sex slave ng 4-taon ang sari­ling 88-anyos na nanay sa Barangay Mendez Crossing West, Tagaytay City sa Cavite.

Dahil sa reklamo ng kaniyang mga kaanak, ina­resto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cavite ang suspek na si Roberto Sarabia sa kasong rape matapos paulit-ulit na pagsamantalahan umano nito ang sariling ina na itinago sa pangalang Lola Judy.

Ayon kay Olivo Ramos, hepe ng NBI-Cavite, dumulog sa kanila ang isang Myrna Arroyo, anak ni Lola Judy para ireklamo ang kapatid nitong si Roberto dahil sa malaswang ginagawa nito sa kanilang ina.

Batay sa salaysay ni Myrna, dumalaw umano ang anak nito sa kanyang Lola Elena sa Las Brisas Subdivision noong Enero 13 at nakita nito na pinasusubo umano ang ari ng kanyang uncle sa bibig ng kaniyang Lola.

Nabatid na ang biktima na naka-wheel chair ay may sakit na osteoporosis at alzheimers disease ayon na rin sa kanyang mga kaanak.

Dahil doon, agad na nagsagawa ng operation ang NBI-Cavite at nasakote si Roberto na pinaniniwalaang lulong sa ipinagbabawal na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape law si Roberto na kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell sa Cavite.

Show comments