2 tiklo sa gun ban

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa Sulu matapos mahulihan ng armas habang may ipinatutupad na gun ban sa buong bansa para sa nalalapit na eleksyon.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Nadzfar Imnaji, 19, at Altano Sahidjuan, 25, na kapwa resident eng bayan ng Talipao.

Naharang sina Imnaji at Sahidjuan kahapon sa isang checkpoint ng 32nd Infnatry Battalion sa Barangay Tiptipon, Panglima Estino bandang 7:35 ng umaga.

Nabawi sa mga suspek ang kalibre .45 pistol 1911-A1 at kargadong magazine na may anim na bala.

Magtatagal ang Commission on Elections gun ban hanggang Hunyo, isang buwan matapos ang eleksyon sa Mayo.

Show comments