^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 48 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Isang Bicol bound passenger bus ang nahulog sa bangin na may lalim na 30 talampakan na nagresulta sa pagkasugat ng 48 pasahero nito kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagong Silang sa bayan ng Calauag, Quezon.

Kasalukuyang ginagamot sa St. Peter General Hospital at Magsaysay Memorial District Hospital ang mga sugatang sina Reggie Arma, Monterola Laurente, John Jorel Montes, Jekim Rosanto, Adrian Ybanes, Rosanto Montes, Cyril Montes, Cheryl Montes, Mark Erickson Aguila, Jolie Servantes, Norlan Paller, Rachelle Pulvera, Isabel Veranda, Rica Jane Arma, at iba pa habang nasa custody naman ng Calauag PNP ang driver na si Felicito Gison, 40, ng Pasay City.

Ayon sa ulat ng pulisya, patungo sa Placer, Masbate ang Mega Bus (AAI-1363) mula sa Maynila nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver dakong alas-11:30 ng gabi.

Sinasabing kumabig pakanan ang bus kaya nagtuluy-tuloy na nahulog sa bangin na nagresulta sa pagkasugat ng mga biktima.

ADRIAN YBANES

BARANGAY BAGONG SILANG

CALAUAG

CHERYL MONTES

CYRIL MONTES

FELICITO GISON

ISABEL VERANDA

ISANG BICOL

JEKIM ROSANTO

JOHN JOREL MONTES

JOLIE SERVANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with