NORTH COTABATO, Philippines – Hindi na umabot ng Bagong Taon ang dalawang sundalo makaraang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap malapit sa gusali ng Ranao Broadcasting Corporation sa Marawi City, Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng Army’s 103rd Brigade, kinilala ang dalawa na suna Sgt. John Saballe at Pfc. Sofronio Grame na kapwa nakatalaga sa Army’s 65th Infantry Batallion. Pinaniniwalaan namang mga Middle Eastern-inspired extremists na lulan ng motorsiklo ang responsable sa pamamaril sa dalawang sundalo bumibili lamang sa gulayan at fruit stand. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang fruit vendor sa nasabing lugar. Nabatid na ang dalawang sundalo ay inatasang kumuha ng impormasyon kaugnay sa pag-atake sa ABS-CBN news team sa Banggolo District sa Marawi City noong Sabado.