Koleksyon ng simbahan, nilimas

Base sa imbestigasyon ni PO2 Fernando Samson, pinasok ng kawatan ang simbahan habang nagsasagawa ng ikalawang misa si Father Cenon Dennis Santos sa San Ildefonso Parish Church. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Maging ang simbahan ay hindi pinaligtas ng mga kampon ng kadiliman matapos na looban at ta­ngayin ang koleksyon ng simbahan sa Barangay Poblacion, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon ng umaga. Base sa imbestigasyon ni PO2 Fernando Samson, pinasok ng kawatan ang simbahan habang nagsasagawa ng ikalawang misa si Father Cenon Dennis Santos sa San Ildefonso Parish Church. Dumaan ang kawatan sa bintana ng simbahan saka kinulimbat ang malaking halaga sa opisina ng pari. Kaagad na nagreklamo si Fr. Santos sa himpilan ng pulisya kaugnay sa naganap na nakawan.

Show comments