Chairman itinumba sa binyagan

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela PNP director, kinuha ng biktimang si Chairman Sammy Acob ang kanyang cal.45 pistol at isinara ang gate ng bahay kung saan pinagsabihan ang mga bisita sa binyagan na walang lalabas. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 46-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng sariling bilas kaugnay sa alitan ng asawa sa naganap na karahasan sa Barangay Sto. Domingo, bayan ng Quirino, Isabela noong bisperas ng Pasko. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela PNP director, kinuha ng biktimang si Chairman Sammy Acob ang kanyang cal.45 pistol at isinara ang gate ng bahay kung saan pinagsabihan ang mga bisita sa binyagan na walang lalabas. Ayon sa police report, tinututukan ng biktima ang hipag na si Pag-ibig Buguina na misis naman ng suspek na si Renante Buguina. Gayon pa man, nakipambuno ang suspek sa baril ng biktima hanggang sa maagaw saka inubos nito ang mga bala sa katawan ng kanyang bilas. Nagsitakbuhan at nagsigawan ang mga bisita sa binyagan matapos umali­ngawngaw ang serye ng putok ng baril. Sumuko ang suspek sa kanyang bayaw na si Councilor Franklin Ramones habang narekober sa crime scene ang 6-basyo ng cal.45 pistol.

Show comments