Guro agaw-buhay sa pamamaril

Kinilala ni P/Senior Insp. Fernando Abugan, hepe ng San Manuel PNP ang biktima na si Cesar Alejandro, guro sa Sta. Rita Elementary School sa San Manuel, Isabela, Cagayan. File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kritikal ang 51- anyos na guro ng pampublikong paaralan matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng San Manuel, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Fernando Abugan, hepe ng San Manuel PNP ang biktima na si Cesar Alejandro, guro sa Sta. Rita Elementary School sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na sinabayan ng biktima ang traysikel ng kanyang pamangkin na may sakay na GRO na kanyang katipan sa pinanggalingang beerhouse nang  paputukan ito ng gunman pagsapit sa harapan ng rice mill. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments