13 mag-aaral positibo sa drug test

NORTH COTABATO, Philippines – Nabahala ang pamahalaang lokal sa bayan ng Tupi, South Cotabato ang pagdami ng mga estudyante na nalululong sa bawal na droga. Ayon kay Mayor Reynaldo Tamayo Jr., 40 porsyento o 13 sa 33 estudyante ang nagpositibo sa unang batch ng drug testing na isinagawa sa pampublikong paaralan kahapon.

Dahil dito, isasailalim sa moral recovery program ang mga nagpositibong mag-aaral at kanilang mga magulang. Pahayag pa ng alkalde na lahat ng mag-aaral sa kanilang bayan ay isasailalim sa drug testing hangga’t maging drug-free ang kanilang lugar. Nasa P3 milyong pondo ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa drug testing ng mga estud­yante, empleyado, barangay officials at mga manggagawa sa bayan ng Tupi.

Show comments