5 NPA sumuko sa Zambo

MANILA, Philippines – Limang miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa mga awtoridad  kahapon sa Zamboanga del Sur.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang kanilang armas kay Lt. Col. Alvin Luzon, commanding officer ng 53rd Infantry Battalion sa Camp Sabido sa bayan ng Guipps bandang 7:30 ng umaga.

Ilan sa mga  armas na isinuko ay rifle, handgun at mga bala.

Ayon kay Luzon ay sumuko ang mga rebeldeng NPA dahil sa police at military operations sa bayan ng Lapuyan.

 

Show comments