Misis tinodas, mister nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagbaril sa ulo ang isang mister matapos nitong mapatay ang sariling misis kasunod ng kanilang pagtatalo sa kanilang bahay sa Upper Badehoy Street sa  Purok 8, Barangay Pinsao Proper, Baguio City kamakalawa. Nilalaro pa ng 9-buwang gulang na anak ng mag-asawang Harry Sawi at Judith Sawi ang umaagos na dugo sa kanilang katawan nang madatnan ng kanilang 13-anyos na anak, ayon kay Ramon Fagad-o, biyenan ng namatay na si Harry. Sinabi ni P/Senior Supt. Rodrigo Leal, medico-legal ng Scene of the Crime Operatives, kapwa may tama ng bala sa sintido ang mag-asawa at narekober malapit sa bangkay ng lalaki ang cal. 45 pistol at dalawang basyo ng bala. Nabatid na nag-inuman muna ang magbiyenan bago naganap ang insidente habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya. Raymund Catindig

 

Show comments