Mag-asawa kinatay ng kainuman

Mag-asawa kinatay ng kainuman

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asa­wang matanda matapos na pagtatagain ng kanilang kapitbahay sa inuman sa Barangay Langaon, bayan ng Baungon, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa leeg at ulo ang mag-asawang sina Isidro Nacalaban at Dolores Nacalaban na kapwa 60-anyos at nakatira sa nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang 38-anyos suspek na si Edwin Amontal na positibong natukoy ng mga testigo sa krimen.

Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-9 ng gabi kung saan nakikipag-inuman ang mag-asawa sa kanilang kapitbahay na si Amontal.

Nabatid na naungkat ang lumang alitan ng mag-asawa laban sa suspek kaya sumiklab ang mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang mag-asawa ng Amontal gamit ang matalim na itak.

Nasaksihan naman ng ilang residente ang naganap na krimen habang tumakas naman ang suspek.

Show comments