14-anyos kisay sa charger ng cellphone
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 14-anyos na dalagita matapos itong makuryente sa charger ng kanyang cellphone habang kausap ang pinsan noong Lunes ng umaga sa Sitio Matan, Barangay Gaongan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.
Hindi na umabot ng buhay sa Sipocot District Hospital ang biktimang si Judy Ann Mendoza Ajero, Grade 5 at nakatira sa nasabing barangay.
Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente habang kausap ng biktima ang kanyang pinsan sa cellphone habang ito ay naka-charge.
Sa pag-aakalang normal naman ang wiring ng charger ay kinusap nito ang kanyang pinsan sa cellphone.
Nabatid na hindi napansin ng biktima na may talop na wiring ng charger ang dumikit sa mukha nito kaya nagkikisay.
Namataan ng ilang kaanak ang biktima kaya kaagad na isinugod sa nasabing ospital subalit namatay din.
- Latest