^

Probinsiya

Tsinoy trader itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 68-anyos na prominenteng negosyanteng Tsinoy matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa kilalang lalaki sa loob ng kaniyang bahay sa Baguio City  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Henry Tan Lao, nagmamay-ari ng chain ng department stores at groceries kabilang ang hotel at LPG refilling station sa Baguio City at sa bayan ng La Trinidad, Benguet.

Sa ulat ng Baguio City PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-10:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives sa crime scene.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng biktima, bandang alas-11 ng gabi nang makarinig sila ng mga kalabugan mula sa bahay ng biktima.

Ilang saglit pa ay isang hindi nakilalang lalaki ang nakitang nagmamadaling lumabas mula sa bakuran ng pamilya Lao.

ANG

BAGUIO CITY

BENGUET

BIKTIMA

CAMP CRAME

HENRY TAN LAO

ILANG

KINILALA

LA TRINIDAD

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

TSINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with