Misis dinedo, mister nag-suicide

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinagbabaril at napatay ng 55-anyos na mister ang sari­ling misis bago ito nag-suicide sa Barangay Bayawas, bayan ng Pilar, Sorsogon noong Martes ng umaga.

Kinilala ang misis na si Loreta Loberio, 57, habang nagbaril naman sa sarili ang mister na si Alejandre Loberio na kapwa nakatira sa nasa­bing bayan.

Napag-alamang kinompronta ng misis ang kanyang mister kaugnay sa umaga na itong umuwi.

Gayon pa man, humantong sa mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa barilin ng mister ang kanyang misis at ng makasigurong wala na itong buhay ay saka naman ito nagbaril sa ulo.

Kapwa duguang nakabulagta ang mag-asawa nang abutan ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). Sinasabing may mabigat na problema ang mag-asawa kaugnay sa kanilang relasyon na pinaniniwalaang isa sa motibo ng krimen.

Show comments