Magpinsan inatado nang saksak ng kapitbahay

BULACAN, Philippines – Kapwa patay at tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang magpinsan sa daan ng bulubunduking bahagi ng Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan kahapon ng umaga. Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jun Bryan Villanueva,19 at Roberto Gallego, kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Kalawakan sa naturang bayan. Ang mga suspek na tinutugis ay kinilalang  sina Recto Mondares at isang alyas Nikko pawang mga residente rin ng naturang lugar. Bago natagpuang patay ang magpinsan dakong alas-7:00 ng umaga ay binantaan ang mga ito ng suspek na kanilang kapitbahay dahil kinagat ng alaga nilang aso ang kambing ng mga suspek may ilang araw na ang nakakalipas.

Show comments