Onsehan sa droga: 2 dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa magkahiwalay na karahasan sa Vigan City, Ilocos Sur at Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Cesar “Boy” Cabanas, 34, tubong Narvacan, Ilocos Sur. at  Jerry Cardil, 34.

Ayon sa imbestigasyon, nakahimpil ang biktimang si Cabanas sa gilid ng kalsada habang kaangkas ang ka-live-in nitong si Ceynorh Doria Villaspir nang lapitan at ratratin ng tandem sa bahagi ang Rivero Street sa Vigan City.

Sabog ang ulo at nagtamo ng tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Cabanas habang histerikal sa kasisigaw ang lover nito. ?

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at M16 Armalite rifle. ?

Samantala, pinabulagta ng mga hindi kilalang lalaki ang welder na si Cardil habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Cauayan City, Isabela.?

Sinasabing onsehan sa droga ang anggulong sinisilip ng pulisya kaya pinatahimik ang dalawa.

Show comments