Opisyal ng DPWH, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinabulagta ng mga hindi kilalang kalalakihan habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dinacan, Barangay Dangoy sa bayan ng Lubuagan, Kalinga kamakalawa. Ayon kay Kalinga PNP spokesman P/Chief Insp. Jomarick Felina, natagpuan sa gitna ng highway ng mga motorista ang nakabulagta at naghihingalong si Engr. Damian Canao Jr., project engineer ng DPWH Kalinga. Isinugod ng mga motorista sa Kalinga District Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tinamong limang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments