TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 49-anyos na dating pulis na kumakandidatong konsehal ang niratrat at napatay ng hindi pa nakikilalang killer sa loob ng kanyang bakuran sa Brgy. Lydia, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.Sinabi ni Sr. Insp. Arnel Tabaog, hepe ng Marcos PNP na binabantayan ng biktimang si Conrado Agtarap ang kanyang mga manok na panabong nang pagbabarilin ng armalite sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nalagutan ng hininga ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.Bukod sa pulitika, inaalam ng mga awtoridad ang iba pang maaaring motibo sa pamamaslang.