High school student ni-rape ng bagong kakilala

TAYABAS CITY, Philippines – Napariwara ang kinabukasan ng isang 15-anyos na estudyante makaraang gahasain ng isang 17-anyos na bago pa lamang niya nakilala sa Barangay Poblacion, kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay itinago sa pangalang Tin-tin, 1st year high school, habang ang suspek na naaresto ay itinago sa pangalang Berto at nasa panga­ngalaga ng DSWD. Sa imbestigasyon, kalalabas lamang ng biktima sa paaralan at tumayo ng may ilang minuto sa gilid ng kalye upang hintayin ang pinsan nang lapitan ng suspek. Nagpakilala umano ang suspek sa biktima hanggang sa yayain itong uminom ng alak. Nang malasing ang biktima ay isinama ito ng suspek sa isang abandonadong bahay at doon ay makailang ulit na pinagsamantalahan.

Show comments