3 todas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang sinalubong ni kamatayan sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa Barangay Quibal sa bayan ng Penablanca, Cagayan at Cauayan City sa Isabela kamakalawa. Patay agad si Jonie Tabuzo, 35, sundalo ng US Marines at ang kaibigan nitong si Arman Madayag 34 nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa  concrete barrier sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jonalyn Tecbobolan, hepe ng Penablanca PNP, sinasabing lango sa alak ang mga biktimang mula sa Callao Caves and Resort nang mawalan ng kontrol si Tabuzo sa motorsiklo pagsapit sa pabulusok na kurbadang kalsada. Samantala, patay din si Rodrigo Gabriel matapos mawalan ng control sa motorsiklo at salpukin ang kongkretong pader sa Barangay Nunungngan 2 saCauayan City, Isabela.

Show comments