^

Probinsiya

Anak kinatay, pinugutan ng ama! Alitan sa lupa..

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 33-anyos na magsasaka matapos na pagtatagain at pugutan ng sariling ama dahil sa alitan sa kanilang sinasakang lupa sa Barangay Flores, Naguilian, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni Chief Insp. Sherwin Concha, hepe ng Naguilian PNP ang nasawi na si Leo Baquirin habang nahaharap sa kasong parricide ang suspect na si Oscar Baquirin, pawang sa nasabing lugar.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpapahinga sa duyan si Leo nang pagtatagain ng ama sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan gamit ang isang pantabas na itak.?

Ayon sa mga nakasaksi, balat na lamang ang natira sa leeg bago humiwalay ang ulo ng biktima sa katawan.?

Nabatid na nagdilim ang paningin ng nakatatandang Baquirin sa anak nang malamang isinangla nito ang kanilang sinasakang lupain na kanyang pag-aari sa hindi mabatid na halaga.?

Matapos ang pagpatay sa anak, sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang naturang ama.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAQUIRIN

BARANGAY FLORES

CHIEF INSP

ISABELA

LEO BAQUIRIN

NAGUILIAN

OSCAR BAQUIRIN

SHERWIN CONCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with