Pulis, 10 iba pa tiklo sa pagnanakaw ng pinya!

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pulis at mga kasamahan niya na pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw ng anim na toneladang pinya sa mga nakaraang buwan sa isang multinational plantation sa South Cotabato.

Nasakote ang mga suspek na sina PO3 Edwin Tabamo, Ronnie Seba, Renato Seba, Joel Apitoong, Marvin Suarez, Sandy Suarez, Joey Suarez, Ian Arostique, Joan Tamayo, Quinton Mahusay at Boyet Agustin.

Huli sa akto ang mga suspek na pumipitas ng mga pinya sa taniman ng Dole sa Barangay Palkan sa Polomolok, South Cotabato.

Kabilang si Tabamo sa Regional Service Company of the Police Regional Office 12 sa Gen. Santos City, habang suspek din sila sa pagtutulak ng shabu.

Bukod sa mga pinitas na pinya ay nahulihan pa ang mga suspek ng iba’t ibang armas, shabu, drug paraphernalia sa loob ng kanilang van.

Nahaharap sa kasong theft, illegal possession of firearms and narcotics.

Nakatakda na ring tanggalin sa serbisyo si Tabamo.

 

Show comments