Ambush: 5 pulis kritikal

LEGAZPI CTIY, Albay, Philippines – Limang pulis ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway sa Sitio Casili, Barangay Marinas sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital ang mga biktimang sina SPO1 Ronald Din, PO3 Aris Hasal, PO1 Gerry Gabuyo, PO2 Dennis  Garbida, at si PO2 Sheryl Marbella na mga nakatalaga sa Gubat PNP. Base sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, pabalik na sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang lulan ng patrol car mula sa Camp Simeon Ola nang haranging at ratratin ng mga rebelde. Nagawang gumanti ng mga biktima kung saan nailayo naman ng driver ang patrol car. Rumesponde naman ang mga awtoridad subalit hindi na inabutan ang grupo ng NPA na umambus sa mga biktima.

Show comments