Barangay kagawad itinumba

CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang 44-anyos na barangay kagawad matapos itong tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Sitio Bolo Diot sa Barangay Bolo, Masbate City, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Kagawad Jose Nixon Serbise ng Barangay B. Titong sa nasabing lungsod. Base ulat ng pulisya, pauwi na ang biktimang lulan ng traysikel mula sa sabungan nang harangin at ratratin bandang alas-3:30 ng hapon. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments