Kandidato tiklo sa kidnapping

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang 60-anyos na kandidatong konsehal na itinurong miyembro ng kidnap-for-ransom group sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion Ilawod, bayan ng San Enrique, Iloilo noong Biyernes ng umaga. Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director P/Chief Supt. Victor Deona, kinilala ang suspek na si Julie Lapasaran. Ayon kay P/Senior Supt. Peter Naboye, nasamsam sa suspek ang cal. 45 pistol, dalawang granada, 14 magazine ng iba’t-ibang armas, bala at tatlong holsters. Nabatid na bago masakote ang suspek ay isinailalim na sa surveillance operation ang suspek matapos na matukoy na kumandidato ito bilang konsehal sa San Enrique. Bukod sa kasong kidnapping for ransom ay nahaharap din ang suspek sa karagdagang kasong paglabag sa Republic Act 10591 at RA 9516.

 

Show comments