Jeepney bumaliktad: 37 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Aabot sa 37-katao na karamihan ay estudyante ang malubhang nasugatan matapos bumaliktad ang overloaded na jeepney na sinasabing pumutok ang isa sa mga gulong nito habang bumibiyahe sa kahabaan ng highway sa Barangay Tupang, bayan ng Alcala, Cagayan. Lumalabas sa imbestigasyon na pumutok ang gulong sa likurang bahagi ng jeepney ni Wilson Cauilan bago ito bumaliktad sa kurbadang highway dakong alas-4 ng madaling araw. Tumilapon at nagpagulung-gulong ang mga pasahero at drayber nito sa kalsada sa pagbaliktad ng sasakyan.? Base sa ulat ng pulisya, patungong athletic meet sa bayan ng Aparri ang 31-estudyanteng atleta ng Santo Angel Dela Guardia mula sa bayan ng Tuao kasama ang kanilang mga guro nang bumaliktad ang kanilang sasakyan.

Show comments