TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 27-anyos na barbero habang kritikal naman ang ama nito matapos pagbabarilin ng barangay tanod na senglot kamakalawa sa Barangay Dauan West, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni SPO4 Roque Binayug ang napaslang na si Gil Baliwag habang kritikal naman ang 52-anyos na ama nito na si Jesus Baliwag na naisugod sa St. Paul Hospital.Sa imbestigasyon ng pulisya, lango ang suspek na si Andres Castillejo na naghahanap ng kaaway sa barberya ng mag-amang Baliwag. Pinagsasampal ng suspek ang mga nadatnang parukyano sa barberya kaya inawat ng mag-ama subalit sila ang pinagbabaril. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Nadakip naman ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.