Trader inutas ng tandem sa harap ng pamilya

Trader inutas ng tandem sa harap ng pamilya

MANILA, Philippines – Pinaslang sa harapan ng kanyang pamilya ang isang 45-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding in tandem sa Brgy. Opao, Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Alberto Ondin, may-asawa, dealer ng bigas at mais, naninirahan sa Don Bernardo Nery, Poblacion, Tres Demayo, Calamba, Misamis  Occidental.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Rogelio Alabata, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9,  dakong alas-11 ng umaga habang minamaneho ni Ondin ang Bongo type KIA motor vehicle sakay ang kanyang pamilya sa nasabing lugar nang dikitan at mag-overtake ang kulay pulang XR motorcycle na sinasakyan ng mga suspek.

Pagtapat sa biktima, agad siyang pinagbabaril ng back rider na pinapuruhan sa tiyan at tinamaan rin sa kaliwang balikat na siya nitong agarang ikinasawi.

Masuwerte namang hindi tamaan ng bala ang pamilya ng biktima na nasa loob ng behikulo habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Inaalam na ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaslang kung may kinalaman ito sa negosyo o personal.

Show comments