Drug pusher itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagyan, Philippines  –Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang 36-anyos na drug suspect matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Villarta Street sa downtown ng District 1 sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. ? Sa police report na nakarating kay P/Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City PNP; kinukumpuni ng biktimang si Ranilo Corpuz ang pag-aaring motorsiklo sa harapan ng bahay nang lapitan at ratratin ng isa sa sakay ng motorsiklo sa harap ng maraming tao.? Sinamantala ng gunman na naglakad palayo sa crime scene habang nagsitakbuhan naman ang mga nakasaksi sa krimen. Sa tala ang pulisya, lumilitaw na pansamantalang nakalaya ang biktima matapos itong magpiyansa sa kasong pagtutulak ng droga.

Show comments