Lazatin sasabak uli sa pagka-councilor
ANGELES CITY, Pampanga, Philippines – Muling sasabak sa pagka-councilor si City Councilor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. matapos itong magsumite ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sa nasabing lungsod noong Miyerkules (October 14). “I’m running for a second term because there are still a lot of things that I’d like to do in service of the Angelenos,” pahayag ni Lazatin. Sinuportahan naman si Lazatin nina Vice Mayor Vicky Vega-Cabigting at Councilor Max Sangil sa kanyang dedikasyon sa pagiging city councilor at maagang dumadalo sa council sessions kung saan siya may perfect attendance record. Si Lazatin na anak ni dating Pampanga 1st District Representative at three-time Angeles City Mayor Carmelo “Tarzan” Lazatin, ang may akda ng 24 Ordinansa at 35 Resolutions para lalong umangat ang kabuhayan ng mga residente sa nasabing lungsod.
- Latest