North Cotabato, Philippines – Umaabot sa P2.7 milyong halaga ng shabu ang narekober ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-6 sa buy bust operation sa labas ng isang mall sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Dakong alas-7:00 ng gabi nang mahuli ang suspek na si Ritchie Villanueva, residente ng Manapla, sa labas ng mall matapos makuha ang isang package mula sa isang courier service company na naglalaman ng may 455 gramo ng shabu. Ayon kay SO3 Jonah Mirador, ang team leader ng PDEA-6, mga isang buwan ang kanilang isinagawang surveillance kay Villanueva bago isinagawa ang operasyon. Napag-alaman na inilagay ang mga droga sa package ng mga gatas mula sa Metro Manila.