Motorbike vs motorbike: 3 patay

MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang sinalubong ni kamatayan habang dalawa naman ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Hinaplanon, Iligan City sa Lanao del Norte noong Sabado. Kinilala ang mga namatay na sina Rey Caballo, Rico Banglos, at si John Bandianon. Ayon sa ulat, nagmomotorsiklo si Banglos na kaangkas si Caballo nang makasalpukan ang motorsiklo ni Bandiano. Sugatan naman ang dalawang kaangkas ni Bandiano na sina Videra Grace Melitante at Carl Kylie Bendon. Ayon sa police report, nag-overtake sa sinusundang truck ang motorsiklo ni Bandlos kaya nakasalpukan ang motorsiklo ni Bandiano.

 

Show comments