TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong notoryus na drug peddlers ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation sa Cagayan at Ilocos Sur kamakalawa.?
Si Edzen Sosa Apolinario na sinasabing lider ng gun-for-hire group at ang kanyang syota na si Jessica Tumamac ng Imus City, Cavite ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya habang ibinabiyahe ang P60,000 halaga ng shabu at dalawang baril matapos masita sa PNP checkpoint sa Sitio Ayaga, Barangay Lucban sa Abulug, Cagayan. ?
Ayon kay P/Chief Insp. Ronnie Labbao, hepe ng Abulug PNP, si Apolinario na pansamantalang nakalalaya matapos magpiyansa na nasa PNP drug watchlist sa Cagayan.
Nasamsam sa magkasintahang tulak ang 18 plastic sachets na shabu, isang KG-9 cal.45 submachine gun na may silencer, cal. 40 pistol, mga drug paraphernalia, at P43,000 cash na pinaniniwalaang mula sa shabu. ?
Samantala, arestado rin ang mga suspek na sina Jogie Igme, 27; at Elmer Icari, 35, matapos makumpiskahan ng 18 plastic sachets ng shabu, cal.9mm pistol, granada at mga drug paraphernalia matapos ang drug bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Rang-ay, bayan ng Sinait, Ilocos Sur.
Kalaboso rin ang mga suspek na sina Felipe Ingan, 59; Johnson Icari, 39; at si Moises Maccoy Ingan 31, matapos salakayin ang itinuturong drug den sa nasabing bayan.