Mag-inang testigo sa krimen, kinatay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina na sinasabing pangunahing testigo sa krimen matapos itong pagtatagain ng mga di-kilalang kalalakihan sa kanilang bahay sa Sitio Singkamas, Barangay Sta. Cruz sa bayan ng San Pascual, Masbate kamaka­lawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang mag-inang sina Jenny Gonato, 34; at Rica Gonato, 10, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, sinamantala ng grupo ng kalalakihan na magkasamang natutulog ang mag-ina bago isigawa ang pamamaslang. Pinaniniwalaang may kaugnayan ang pagiging testigo ng mag-ina sa naganap na pagnanakaw at pagpatay kung saan kahapon sana ang court hearing laban sa mga suspek.

Show comments