^

Probinsiya

Abogado itinumba sa loob ng SUV

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 63-anyos na beteranong abogado matapos itong pagbabarilin ng kanyang kasama sa loob ng SUV sa Barangay Casisang, Malaybalay City sa Bukidnon kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Chief Inspector Democrito Asiong na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Atty. Pepito Suello.

Napuruhan sa likuran at kanang sentido ang biktima kung saan namatay habang ginagamot sa Polymedic General Hospital.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na minamaneho ng biktima ang Hyundai Santa Fe kasama sina Atty. Alvy Damasco  at  Alfredo Sese  patungo sa Regional Trial Court Branch 9 sa Malaybalay City nang rat­ratin pagsapit sa bisinidad ng Phase 3 sa National Housing Authority bandang alas-8:30 ng umaga.

Narekober sa loob ng SUV ng biktima ang pitong cartridge ng cal. 9mm pistol, isang nadepormang bala, at cal. 380  na may limang bala.

Nadiskubre naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives sa pamumuno ni P/Chief Inspector Ellen Avanzado ang dalawang butas sa drivers seat at isa sa kaliwang pintuan ng SUV.

Boluntaryong nagpa-paraffin test si Damasco habang pinaghahanap naman ang isa sa kasama ng biktima na si Sese na sinasabing pangunahing suspek sa krimen.

Kasalukuyang bumuo na ng Special Investigation Task Group Suello ang pulisya upang resolbahin ang naganap na pamamaril.

ALFREDO SESE

ALVY DAMASCO

ANG

BARANGAY CASISANG

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR DEMOCRITO ASIONG

CHIEF INSPECTOR ELLEN AVANZADO

HYUNDAI SANTA FE

MALAYBALAY CITY

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PEPITO SUELLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with