2 kidnaper ng 3 banyaga, 1 Pinay kinasuhan

MANILA, Philippines – Pormal nang kinasuhan ang dalawang kidnaper na isinasangkot sa pagdukot sa tatlong banyaga at isang Pinay noong Setyembre 21 sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.

Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Antonio Rivera, PNP regional spokesman, kinilala ang mga suspek na sina Bandajar Dangin “Banon” Adona at Tirso Lug­nasin na kapwa miyembro ng Venacio Malaydan–Jikiri Gulam Cristobal Kidnapping Group at nasakote sa bahagi ng Barangay Tibungco, Davao City noong Linggo ng gabi (Oct. 4). 

Inaresto ang mga suspek base sa warrant of arrest na inisyu ng korte sa naunang mga kasong murder at  kidnapping and serious illegal detention na inisyu ni Judge Dorothy Gonzagang Nabunturan Regional Trial Court.

Nasamsam sa mga suspek ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, dalawang granada, at mga bala ng baril.

Natukoy ang suspek na si Adona sa CCTV footages ng Holiday Oceanview Resort na pag-aari ng isa sa mga hostages na si Norwegian Kjartan Sekkingstad, 56.

Ang iba pang mga bihag ay ang dalawang Canadian na sina John Ridsdel, 68; Robert Hall, 50; at ang  Pinay na si Maritess Flor.

“The suspects were still subject for investigation, we are still gathering information and evidence as to their possible involvement on the kidnapping of 4 victims,” ayon pa kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director P/Chief Supt. Victor Deona.

Show comments