2 bulagta sa P.2-M holdapan

Isinailalim sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang duguang katawan ng isa sa tatlong holdaper na napatay sa shootout laban sa mga tauhan ni P/Supt. Charlie Cabradilla sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang hinoldap na kawani ng pawnshop ang napatay sa naganap na madugong holdapan sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay matapos isugod sa ospital ang kawani ng Tambunting Pawnshop na si Lyndon Umisal ng Brgy. Punturin, Valenzuela City.

Kinilala naman ang sinasabing isa sa tatlong holdaper base sa narekober na identification card na si Peter Palarisan Jr.,34, ng Phase 7, NHV sa Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan.

Samantala, tinutugis naman ang dalawang kasabwat ni Palarisan na bitbit ang malaking halaga na sinikwat kay Umisal.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabradilla,

Pabalik na sa nasabing pawnshop ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pagwi-withdraw ng P.2 mil­yon sa banko nang hara­ngin ng tatlong kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo.

Gayon pa man, pumalag ang biktima sa naganap na holdap kaya siya binoga sa ulo kung saan natangay ng tatlo ang malaking halaga.

Naipaabot naman  sa himpilan ng pulisya ang naganap na krimen kaya inilatag ang operasyon kaya napatay ang isa sa tatlo pagsapit sa bahagi ng Graceville 1 Subdivision.

Narekober ang cal.38 revolver, limang plastic sachet ng shabu at motorsiklo na may plakang CA-24095.

Show comments