Magsyota grabe sa tangkang suicide

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang magkasintahang estudyante na nagtanan matapos magtangkang mag-suicide sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa bahay ni Aira sa Barangay Sangladan, bayan ng Paoay, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO3 Nestor Sadian ang dalawa na sina Mike Nathaniel Valdez ng bayan ng Itogon, Benguet; at Aira Lim Valdez ng Barangay Sangladan.

Ayon kay PO3 Sadian, ang dalawa ay kapwa nagsaksak sa sarili gamit ang pen-knife sa music room ng bahay ng lolo ni Aira.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang linggo nang nagtanan ang magsyota at hindi na pumapasok sa kanilang eskwelahan sa St. Louie University sa Baguio City.

Gayon pa man, sa takot nang humarap sa kani-kanilang mga magulang kaya naisipan nilang tapusin na ang ginawang kahihiyan matapos na magtangkang magpakamatay.

Narekober sa crime scene ang ginamit na pen knife ng mga biktima.

Show comments