MANILA, Philippines – Matapos ang halos dalawang taong pagtatago sa batas, naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng P 9.4 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isinagawang operasyon sa Lucena City, Quezon kamakalawa. Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Victor Deona ang suspek na si Emilron de la Torre.
Nabatid na si de la Torre at dalawang iba pa ang responsable sa panghoholdap sa limang kawani ng Philippine Postal Corporation Regional Office na naatasang maghatid ng P9.4 milyong pondo para sa 4P’s.
Samantala, tinangka rin ng mga suspek na ikomander ang Starex van ni Dizon pero tumanggi itong ibigay ang susi kaya nairita ang isa sa mga holdaper at binaril ito sa binti saka puwersahang tinangay ang pera sa bag.