Foreman utas sa ka-live-in

CAMARINES NORTE, Philippines – Matinding selos ang isa sa motibo kaya napatay ang 45-anyos na foreman ng DPWH matapos itong saksakin ng kanyang ka-live-in kamakalawa ng gabi sa Sitio Balig-ang, Barangay Beriran sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Joseph Margallo ng Barangay Ogao habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Grace Espinocilla, 19, ng Barangay Paco sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  lumilitaw na magkasama ang mag-lover sa traysikel nang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa kanilang relasyon. Gayon pa man, nagalit ang suspek sa sinabi ng biktima kaya naganap ang pananaksak. Hindi na umabot ng buhay sa Gubat District Hospital ang biktima habang nahaharap naman sa kasong homicide ang suspek.

Show comments