School supervisor, nilikida

MANILA, Philippines – Napatay  ang isang district supervisor ng Bayambang Central School matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa bayan ng Bayambang, Pangasinan kahapon ng umaga. Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, naglalakad ang biktimang si Henry dela Cruz nang biglang harangin at ratratin sa Barangay Tambac bandang alas-9:20 ng umaga. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

Show comments