Trader itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 54-anyos na trader na sinasabing naningil ng pautang matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Barangay Sotero Nuesa sa bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP, isa sa motibo na sinisilip ang robbery-holdup sa pagpatay sa biktimang si Charles Adsuara ng Barangay Villa Concha sa nasabing bayan. Huling namataang buhay ang biktima nang nagpaalam sa kanyang misis upang maningil ng malaking halaga na pautang kung saan ito sinundan ng tandem assassins dakong alas-6:30 ng gabi. Nawawala ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng malaking halaga mula sa paniningil habang narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol. 

Show comments