5 utas sa road mishap

MANILA, Philippines – Lima-katao ang sinalubong ni kamatayan matapos sumalpok ang truck sa punungkahoy sa kahabaan ng Aliaga-Quezon Road sa Barangay La Purisima, bayan ng Aliaga, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija PNP director, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktimang pasahero ng truck  na sina John Bryan Lopez, 25; Marvin Jimenez, 24; Joel Calderon, 21; Estelito Mendoza, 20; at si Sherwin Almazar, 20. Sugatan namang naisugod sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City ang driver na si Romeo Almazar, 25. Ayon sa ulat nawalan ng control sa manibela si Almazar pagsapit sa kurbadang highway sa kahabaan ng Aliaga-Quezon Road kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa punung kahoy.

Show comments