Chief tanod, 2 pa tiklo sa droga

Nasamsam kina Manding at Agustin ang tatlong plastic sachets na shabu at ang P1,000 mark money na ginamit ng pulisya sa buy-bust operation. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang hepe ng barangay tanod ang nasakote sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay 19, Laoag City sa Ilocos Norte kamakalawa. Sa police report na isinumite kay  P/Supt. Jeffrey Gorospe, hepe ng Laoag City PNP, kinilala ang mga suspek na sina Ruben Manding, 40, chief tanod;  Axel Jones Agustin, Armando Paclay, 40; at si Rommel Boggat, 31. Nasamsam kina Manding at Agustin ang tatlong plastic sachets na shabu at ang P1,000 mark money na ginamit ng pulisya sa buy-bust operation. Samantala, nadakip din sa buy-bust operation sina Paclay  at Boggat kung saan nakumpiskahan ng apat na plastic sachets ng shabu sa Barangay Santor, bayan ng Rizal, Kalinga.

Show comments