Tricycle sinalpok: Bata patay, 5 grabe

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang isang 8-anyos na batang lalaki habang kritikal ang lima nitong kaanak matapos salpukin ang kanilang sinasakyang traysikel ng isang kotse na sinalpok ng truck kamakalawa sa kahabaan ng highway ng Barangay Cajel, Diffun, Quirino.

Hindi na umabot ng buhay sa Quirino Provincial Medical Center ang biktimang si Orlan Jake Castillo. Habang grabeng nasugatan ang lola nitong si Carmelita Cabanes; ina na si Julie Ann Castillo 29, mga utol na sina Charles Joel Castillo 5, Francis Castillo at lolo na si Antonio Castillo Sr., 68.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-10:15 ng gabi ay ?sakay ang pamilya Castillo na minamaneho ni Antonio nang mag-overtake ang isang truck at sumalpok sa kanilang tricycle at nagsitalsikan ang mga biktima.

Pagkatapos ay sinalpok pa ng truck ang Honda Jazz na minamaneho ni Liezel Lajol, 35, guro na nasagasaan naman ang mga nagsitalsikang biktima.

Tumakas naman ang hindi natukoy na truck driver habang sumuko si Lajol.

Show comments