Barangay chairman, itinumba

BATANGAS, Philippines – Pinabulagta ang 43-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bayan ng Calatagan, Batangas noong Linggo ng umaga. Kinilala ni P/Chief Inspector Jose Badilla, hepe ng Calatagan PNP ang biktima na si Chairman Manolo Macalindong ng Barangay Talisay sa nasabing bayan. Ayon kay Badilla, papauwi na si Macalindong matapos itong bumili ng shampoo sa kalapit na tindahan nang lapitan at ratratin bandang alas-8:50 ng umaga. Tumakas ang motorcycle-riding gunmen patungo sa bayan ng Lian. Pinaniniwalaang nagalit kay Macalindong ang grupo ng mga residente na nakikipag­laban para sa karapatan na nagmamay-ari ng isang parte ng lupain sa naturang barangay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments