^

Probinsiya

4 ‘tulak’ timbog sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Apat na katao kabilang ang isang babae na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga ang naaresto matapos ang panibagong drug buy bust operation sa Brgy. Bayugo,Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kaso ang mga suspek na sina Naef Ajinoor 20, Salim Macalalo, 41, anak nitong si Hamsa Saripada, 28, at live-in nitong si Joveann Termulo, 22, pawang mga residente ng Blk. 13, Northville 3, Brgy. Bayugo sa naturang bayan.

Base sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo dakong alas 10:30 ng umaga ay isang poseur buyer na pulis ang bumili ng isang sachet ng shabu sa isang alyas na Naef matapos na napag-alamang patuloy na nagbebenta ito ng shabu sa loob ng naturang komunidad at nang makabili na ay dito na sinalakay ang loob ng bahay kung saan naaaktuhan pa ang mga ito na nagrerepak ng shabu.

Bukod sa nakuhang isang baril, narekober sa loob ng bahay ng mga suspek ang pitong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000 isang digital weighing scale, mga drug paraphernalias, isang .357 revolber at mga bala nito, isang wig sa buhok, P500 pisong marked money at isang PNP uniform.

Si Saripada ay may na­kabimbing kaso ng nabigong pagpatay laban sa biktimang si Michael Camargo, 32, ng naturang ding lugar at positibo niyang itinuro ang una na siyang sumaksak sa kanya sa leeg at katawan ngunit hindi napuruhan noong Set­yembre 6,2015 habang nagtatalo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAYUGO

BRGY

HAMSA SARIPADA

ISANG

JOVEANN TERMULO

LAILENE AMPARO

MEYCAUAYAN CITY

MICHAEL CAMARGO

NAEF AJINOOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with