^

Probinsiya

76-anyos retiradong judge, natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang retiradong huwes makaraang matusta nang ma-trap sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Cebu City nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, kinilala ang nasawing biktima na si Delfin Decierdo, 76-anyos na dating Judge sa Sibunga Municipal Trial Court sa lalawigan ng Cebu.

Bandang alas-4 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang hukom sa kanyang tahanan sa Honeyville 2 Brgy. Quiot ng lungsod nang sumiklab ang apoy nang hindi nito namamalayan.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa ma-trap ang biktima sa kanyang silid at kasamang natupok sa dalawang palapag nitong tahanan.

Nabigong makalabas ng kanyang tahanan si Decierdo dahil ang kuwarto nito ay katabi ng kanyang mini-chapel  na narinig pa ng kanyang mga kapitbahay na sumisigaw sa paghingi ng tulong sa may bintana.

Hindi na nagawang saklolohan ng kanyang mga kapitbahay ang matandang biktima dahil nababalutan ng mataas na apoy ang buong kabahayan nito.

Sinisiyasat ng pulisya ang sanhi ng sunog na posibleng nagmula sa isang kandila na naiwang nakasindi sa may altar sa mini chapel  sa sala  ni Decierdo.

Naapula ng mga pamatay-sunog ang apoy dakong alas-4:35 ng madaling-araw at natagpuan ang halos hindi na makilalang bangkay ng biktima dahil sa tindi ng pagkakasunog.

ANG

BANDANG

BRGY

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY FIRE MARSHAL

DECIERDO

DELFIN DECIERDO

HONEYVILLE

KANYANG

SIBUNGA MUNICIPAL TRIAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with