Trader, empleyado utas sa hired killer

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napatay ang isang 59 anyos na negosyante at empleyado ng Isabela Electric Cooperative 2 habang kritikal ang isang helper ng una matapos ratratin ng bala ng mga pinaniniwalaang hired killers habang nag-iinuman sa Barangay Rizaluna, Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi. Sa report kay Chief Insp. George Cablarda, hepe ng PNP Alicia;  dead on the spot ang trader na si Rogelio Pascua at namatay habang ginagamot sa Manango Hospital ang pamangkin nitong si Edilberto Castillo, 32. Inoobserbahan naman ang helper na si Roderick Laggui, 41, ng San Mariano, Isabela. Sa imbestigasyon, habang nag-iinuman ang mag-tiyuhin sa bahay ng negosyante nang paulanan sila ng bala ng mga di kilalang lalaki dakong alas 8:00 ng gabi at mabilis na tumakas sakay ng hindi natukoy na SUV.

Show comments