Magsasaka lubog sa utang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Natuluyan sa ikalawang pagtatangka ang pagsalubong kay kamatayan ng 46-anyos na magsasaka matapos itong magbigti sa ilalim ng tulay dahil sa problemang pagkakautang ng malaking halaga sa kanyang kaibigan sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan kamakalawa.?Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ronnie Labbao, hepe ng Abukug PNP; nakipag-inuman muna sa kapitbahay ang biktimang si Fred Pablo bago Nagbigti sa nasabing lugar. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang misis matapos nitong hanapin dahil sa hindi pag-uwi. Nabatid na ikalawang pagtatangka na ng biktima na mag-suicide dahil sa sinasabing problema sa pagkakautang.

Show comments